Ride To Mindanao From Pampanga

Ride To Mindanao(Butuan City) From Pampanga

byย โ€ŽMendoza Leinardโ€Žย 

“ME & RUSI”

Share ko lang ung ride ko from pampanga to mindanao..(butuan city) ay successful with my ssx200 1st gen.

15941067_701461856696109_4715609321296600528_n

Sa awa ng dyos naging maayos ang takbuhan namin ng motorcycle ko sa kalsada kahit pa magdamag ang ulan. Sa preparasyon ko, di ako binigo ng mga bagay na pinaghandaan ko, katulad ng Wall E. Ok xa auxiliary lights ganda sa gabi, tapos tire sealant wala ka talagang flat hanggang mindanao.๐Ÿ˜‚

Pero bago yan kwento nalang mga experience ko sa kalsada para may idea ang iba satin na nagbabalak din magride to mindanao..

Pampanga to quezon province. Alam ko lahat dito na alam na maganda naman ang road sa parting iyan… Ganun din papuntang Matnog Sorsogon, maliban nalang sa mga railroads na madadaanan mo ng hindi mo napapansin sa kalsada.

Pampanga Takeoff :
Date 01/07/17
time 0005H

Port of Matnog arrived:
Date 01/07/17
Time 1800H

Pag tawid ko from matnog to port of allen sa samar, nasa 2200H na ang oras nun at maulan kaya nagstay overnight nalang ako sa isang murang Lodge inn malapit sa pier. Kina umagahan malakas padin ulan, pero tumuloy parin ako para di ako madelay at mahabol ko ang barko sa Port of Benit so. Leyte.. at dahil sa ulan medyo nagbagal ako nang speed ko from normal 100kph down to 60-70kph nalang dahil diko makita ang daan baka may lubak kasi ang nasa isip ko na that time, hindi ako dapat magkamaling maaksidente dahil wala akong mahihingan ng tulong sa lugar na ito.

Hanggang sa natawid ko ang SAN JUANICO bridge pero di parin natila ang ulan.. minsan bubugso ng malakas pero go parin ako…

15966082_701462226696072_4880543661522393722_n

San Juanico Bridge, Leyte

Noong natawid ko na ang san juanico bridge akala ko ok na ang road na dadaanan ko natapos na ung pahirap sa kalsada sa samar…… pero hindi pala!!!

Eto ang malupit at hindi ko talaga inaasahan.. from Allen Port, stress na ang makina ko dahil sa layo na rin ng tinakbo ko, hanggang s makarating ako sa bundok ng MAHAPLAG na halos higit isang oras ko atang inakyat na puro paahon hanggang sa diko na makita ang sa unahan ko dahil sa kapal ng hamog at nakakatakot dahil bibihira ang mga bahay at ang tubig na umagos galing sa bundok na bumabahaย sa kalsada pero di parin ako huminto dahil may kaba na sa dibdib ko that time kaya kinakausap konlang ang motor ko na sana wag siyang bibigay.

Sa awa ng dyos ligtas akong nakababa sa bundok na iyon na nakapatay ang makina ko dahil puro na talaga pababa ang kalsada. Masasabi kong mas malupit yung bundok na iyon kesa sa naakyat ko na Bagiuo at Mt.Samat. Sa mga babyahe at makakadaan dun napakasarap na experience ang mararanasan mo.

Hanggang sa nagtuloy na ako sa pagtakbo tsaka pagasolina na. Check nadin ng gps, lahat check ko agad lalo na ang kadena. Nagbabaon talaga ako ng extra oil lalo kapag maulan manunuyo kadena ko pag diko nalagyan ng oil. Every 3 hours checke ko yn. Hanggang sa nakarating ako sa port of Benit so. Leyte. Puro stranded na bus at truckings ang naabutan ko, sabay dating pa ng bagyo. Buti nalang naunahan ko si bagyong auring sa pier. Kung hindi malamang sa kalsada maraming puno ang naka tumba.

From Port of Allen:
01/08/17
0600H

Port of Benit arrived:
01/08/17
1700H

Dun na ako nagstay ng 2 days๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ sa pier.

Noong ok na ang barko maglayag, sumakay na ako sa first trip ng martes 01/10/17 hanggang sa nakatawid na ako ng port of Lipata Surigao… yes!!!๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ย nasa MINDANAO NAKO!!!!๐Ÿ˜‰๐Ÿ˜‰๐Ÿ˜‰

15965309_701462286696066_1831932224025456726_n

Mula sa pier hanggang Butuan City ay 2hrs lang mahigit ang byahe kaya binakbakan ko na..

Salamat sa lahat ng nag alala sakin sa daan sa mga nagpray ng safety ko lalo kana MOMSY Hearty Heart Mauligaya sa walang sawa mong pagsubaybay sakin… balang araw makakabawi ako sayo momsy… isa kang tunay na kaibigan๐Ÿ˜‰

#DINES (SSX200)
#LEINARDMENDOZA

Featured Motorcycle Info:

15941401_701462310029397_1491572569871573970_n

Brand: RUSI

Model: SSX200 First Gen.

Displacement: 200cc

Country: PH

Rider: Leinard Mendoza

15965821_701462063362755_467873237455045969_n

Advertisements

Ride to Pililla Wind Farm

At dahil hindi kami pinag bigyan ng panahon nung nag ride kami sa Tanay, ngayon kami pupunta sa Pililla Wind Farm. Ayos! Nakisama na ang panahon. Kaya lang super init naman! Kaparehong ruta ng aming first ride. Ayaw ko padin kaseng subukan sa Mariluque mula sa pasig eh, baka kase kung saan kame mapad-pad. Hahaha

Kung galling ka sa Sampaloc Inn. Liko kana sa unang kanto sa kanan, may waiting shed duon. Pagpasok mo, Turn left naman. Deretso ka lang sa sementadong daan. May madadaanang naman konting bahayan sa daan kaya hnd ka maliligaw.

First time namin na pumunta dito kaya hindi namin alam kung saan talaga ang entrance, andito palang pala kami sa pinaka dulo ng wind farm. Akala namin eto na yon.

12063593_1234039836613210_2717821045544402989_n

Para sa mga nakamotor na katulad ko. Wag po kayong dadaan dito kung maulan. Medyo maputik kasi. May mga part din na naiipunan ng tubig, Muntik nanga kaming masemplang sa putikan eh!

First Ride: Regina Rica and Tinipak River Tanay Rizal

Medyo excited ako sa ride na to kase ito yung pinaka unang ride namin na pamotor lang. Hindi naman kase ganung kalayo ang Tanay Rizal dito sa metro manila. ๐Ÿ™‚

From Pasig City we took the highway of Cainta then go up to Antipolo rizal tapos baba ulit sa morong taposย  deretso sa bayan ng Tanay tapos akyat ulit pa sampaloc. Haha. Grabe, nakakapagod yung rutang yon ah? Nagpakahirap no? Mejo bago palang din ako nag momotor nung time na yon kaya takot pa kong dumaan sa mga daan na hindi ko pa napuntahan at meron naman palang deretsong daan don papuntang Sampaloc Tanay wich is Marilaque Road. Weew! Next Time jan ako dadaan! ๐Ÿ™‚

From bayan ng Tanay going up to sampaloc, nagenjoyย  ako sa sampaloc road. Sarap mag maneho don, although some part of the road are rough. Magandang kalsada, puro puno yung makikita mo. Habang paakyat, matatanaw mo na ang Pililla Wind Farm. Sariwa din ang simoy hangin, no need to put my mask on, wala namang gaanong usok ng sasakyan eh.

Upon arriving sa Sampaloc Tanay, nag Check-in muna kame sa Sampaloc Inn and we rest for an hour siguro. This will be a 2 days trip kase.

Our first destination: Regina Rica

Regina Rica is located along Marilaque road in Sitio Aguho Sampaloc, Tanay Rizal.

marilaque

Malapit lang naman ang Regina Rica Sa Sampaloc Inn, onlyย  1.8 km. Pagdating namin, sinabihan agad kame ng Guard na bawal pala ang nakashort for girls, naka short lang kase si GF non. Meron namang pinahihiram na mahabang palda sa may store so no need to bring your own, girls, just leave an I.D. ๐Ÿ™‚

11986530_1216551471695380_7624333596204509415_n

11953034_1216551748362019_9027363190271785874_n

Plano pa talaga namin na pumunta pa sa Pililla Wind Farm kaso hindi kame pinag bigyan ng panahon. Nagpatuloy ang ulan hangang late afternoon. Napag alaman namin na may paparating palang bagyo nuon. hehe

Our Tiring Route to Tanay
Traffic, Smoke, heat.. weew!. Promise sa Marilaque Highway na ko dadaan next time! ๐Ÿ™‚

Route

Coming up:ย First Ride: Regina Rica and Tinipak River Tanay Rizal Part 2

First Ride part2: Tinipak River Tanay Rizal

Second day of our trip. Mukang hindi parin nakikisama ang panahon. Umaambon pa nuon nung nag byahe kame papuntang Brgy. Daraitan Tanay, kung saan matatagpuan ang Tinipak River.

Lagpas pa ng Regina Rica along Marifanta Road, about 2.9 kilometers hangang kanto papunta sa daraitan. From there, 11 km pa po hanggang Daraitan Tanay ๐Ÿ™‚

rigina rica to daraitan entrance

While entering the road, akala namin tuloy tuloy nang sementado lahat ng madadaanan namin. Sinalubong kame ng lubaaak-lubak at puro putik na kalsada dahil sa ulan kahapon. Nagdalawang isip pa nga kame na tumuloy pa, kase mukhang hindi kakayanin ng scooter ko ang kalsada, pero tumuloy padin kami. Nakakatakot lang kase parang kami lang yung sasakyan sa lugar bukod sa isang jeep na nakasalubong namin. hehe

2

(Image source: mckhaye.blogspot.com)

At dahil nga masama ang panahon, BELIEVE it or NOT. Exclusive samin ang buong Tinipak River nuon. Kami lang kase yung visitor nung araw na yon! hahaha! Walang photobomber! Perfect for photo ops. :))))))ย #noedit

11987119_1216506548366539_4084036286964594048_n

The most challenging part eh nung pauwi na kame. Bigla nanamang bumuhos ang malakas na ulam. Hindi kame nakapag dala ngย  kapote. Kaya ayun. basang basa kameng nakauwi.

Side trip sa Daranak Falls

Dahil may oras pa naman. Dumaan pa kame sa Daranak falls sa Sampaloc road. Picture lang kame tapos, uwian na. ๐Ÿ™‚ *Kuliglig sound here*

11951928_1216514191699108_8120004156980524246_n

 

P.S.: Sakit ng katawan ko.

 

 

Magmotor: I want to start blog

Bilang hindi naman ako talaga galang tao, para sakin madami na akong napuntahan.
Napuntahan ko na ata ang lahat ng lugar sa Pilipinas. Nalibot ko na ang Luzon, Visayaz at Mindanao. Tsss. ang lapit lapit!

Joke lang po! :p Hindi ko pa afford haha! But I wish someday…

Bukod sa Baguio, ang pinaka malayo ko na atang napuntahan eh Baler sa Aurora Province. Grabe sakit sa pwet! Hindi ko na alam ang gagawin kong pwesto sa pag upo, sa sobrang tagal ng byahe!

Most of my previews travel was by Van or Bus. Halos lahat ata ng kilala ko at nakasama sa malalayong byahe eh either natutulog oh nagkukwentuhan, samantalang ako….gising at eni-enjoy ang view sa bawat madaanan. Yes, daan. Kalsada. Ewan ko ba? Para sakin kase, it’s part of the jurney. Madalas na eenjoy ko pa ang pag byahe kesa dun sa destinasyon.

Ang pinaka ayaw ko lang kapag nag babyahe eh; ang dami kong na mi-miss na lugar, madaming magandang view na gusto ko pang enjoyin pero wala akong choice kundi tumingin lang sa bintana at enjoyin ang mga nalalabing sigundong malapit nang lumipas sa lugar na iyon.-drama

Iba kapag nagmomotor eh, ramdam mo ang hampas ng hangin sa muka mo. At ang pinakagusto ko sa lahat – pwede kang himinto kapag gusto mo, hawak mo kung saan ka pupunta, kung kelang ka titigil, kung kelan ka babalik.