First Ride: Regina Rica and Tinipak River Tanay Rizal

Medyo excited ako sa ride na to kase ito yung pinaka unang ride namin na pamotor lang. Hindi naman kase ganung kalayo ang Tanay Rizal dito sa metro manila. 🙂

From Pasig City we took the highway of Cainta then go up to Antipolo rizal tapos baba ulit sa morong tapos  deretso sa bayan ng Tanay tapos akyat ulit pa sampaloc. Haha. Grabe, nakakapagod yung rutang yon ah? Nagpakahirap no? Mejo bago palang din ako nag momotor nung time na yon kaya takot pa kong dumaan sa mga daan na hindi ko pa napuntahan at meron naman palang deretsong daan don papuntang Sampaloc Tanay wich is Marilaque Road. Weew! Next Time jan ako dadaan! 🙂

From bayan ng Tanay going up to sampaloc, nagenjoy  ako sa sampaloc road. Sarap mag maneho don, although some part of the road are rough. Magandang kalsada, puro puno yung makikita mo. Habang paakyat, matatanaw mo na ang Pililla Wind Farm. Sariwa din ang simoy hangin, no need to put my mask on, wala namang gaanong usok ng sasakyan eh.

Upon arriving sa Sampaloc Tanay, nag Check-in muna kame sa Sampaloc Inn and we rest for an hour siguro. This will be a 2 days trip kase.

Our first destination: Regina Rica

Regina Rica is located along Marilaque road in Sitio Aguho Sampaloc, Tanay Rizal.

marilaque

Malapit lang naman ang Regina Rica Sa Sampaloc Inn, only  1.8 km. Pagdating namin, sinabihan agad kame ng Guard na bawal pala ang nakashort for girls, naka short lang kase si GF non. Meron namang pinahihiram na mahabang palda sa may store so no need to bring your own, girls, just leave an I.D. 🙂

11986530_1216551471695380_7624333596204509415_n

11953034_1216551748362019_9027363190271785874_n

Plano pa talaga namin na pumunta pa sa Pililla Wind Farm kaso hindi kame pinag bigyan ng panahon. Nagpatuloy ang ulan hangang late afternoon. Napag alaman namin na may paparating palang bagyo nuon. hehe

Our Tiring Route to Tanay
Traffic, Smoke, heat.. weew!. Promise sa Marilaque Highway na ko dadaan next time! 🙂

Route

Coming up: First Ride: Regina Rica and Tinipak River Tanay Rizal Part 2

First Ride part2: Tinipak River Tanay Rizal

Second day of our trip. Mukang hindi parin nakikisama ang panahon. Umaambon pa nuon nung nag byahe kame papuntang Brgy. Daraitan Tanay, kung saan matatagpuan ang Tinipak River.

Lagpas pa ng Regina Rica along Marifanta Road, about 2.9 kilometers hangang kanto papunta sa daraitan. From there, 11 km pa po hanggang Daraitan Tanay 🙂

rigina rica to daraitan entrance

While entering the road, akala namin tuloy tuloy nang sementado lahat ng madadaanan namin. Sinalubong kame ng lubaaak-lubak at puro putik na kalsada dahil sa ulan kahapon. Nagdalawang isip pa nga kame na tumuloy pa, kase mukhang hindi kakayanin ng scooter ko ang kalsada, pero tumuloy padin kami. Nakakatakot lang kase parang kami lang yung sasakyan sa lugar bukod sa isang jeep na nakasalubong namin. hehe

2

(Image source: mckhaye.blogspot.com)

At dahil nga masama ang panahon, BELIEVE it or NOT. Exclusive samin ang buong Tinipak River nuon. Kami lang kase yung visitor nung araw na yon! hahaha! Walang photobomber! Perfect for photo ops. :)))))) #noedit

11987119_1216506548366539_4084036286964594048_n

The most challenging part eh nung pauwi na kame. Bigla nanamang bumuhos ang malakas na ulam. Hindi kame nakapag dala ng  kapote. Kaya ayun. basang basa kameng nakauwi.

Side trip sa Daranak Falls

Dahil may oras pa naman. Dumaan pa kame sa Daranak falls sa Sampaloc road. Picture lang kame tapos, uwian na. 🙂 *Kuliglig sound here*

11951928_1216514191699108_8120004156980524246_n

 

P.S.: Sakit ng katawan ko.

 

 

Magmotor: I want to start blog

Bilang hindi naman ako talaga galang tao, para sakin madami na akong napuntahan.
Napuntahan ko na ata ang lahat ng lugar sa Pilipinas. Nalibot ko na ang Luzon, Visayaz at Mindanao. Tsss. ang lapit lapit!

Joke lang po! :p Hindi ko pa afford haha! But I wish someday…

Bukod sa Baguio, ang pinaka malayo ko na atang napuntahan eh Baler sa Aurora Province. Grabe sakit sa pwet! Hindi ko na alam ang gagawin kong pwesto sa pag upo, sa sobrang tagal ng byahe!

Most of my previews travel was by Van or Bus. Halos lahat ata ng kilala ko at nakasama sa malalayong byahe eh either natutulog oh nagkukwentuhan, samantalang ako….gising at eni-enjoy ang view sa bawat madaanan. Yes, daan. Kalsada. Ewan ko ba? Para sakin kase, it’s part of the jurney. Madalas na eenjoy ko pa ang pag byahe kesa dun sa destinasyon.

Ang pinaka ayaw ko lang kapag nag babyahe eh; ang dami kong na mi-miss na lugar, madaming magandang view na gusto ko pang enjoyin pero wala akong choice kundi tumingin lang sa bintana at enjoyin ang mga nalalabing sigundong malapit nang lumipas sa lugar na iyon.-drama

Iba kapag nagmomotor eh, ramdam mo ang hampas ng hangin sa muka mo. At ang pinakagusto ko sa lahat – pwede kang himinto kapag gusto mo, hawak mo kung saan ka pupunta, kung kelang ka titigil, kung kelan ka babalik.