Ride To Mindanao From Pampanga

Ride To Mindanao(Butuan City) From Pampanga

byΒ β€ŽMendoza Leinardβ€ŽΒ 

“ME & RUSI”

Share ko lang ung ride ko from pampanga to mindanao..(butuan city) ay successful with my ssx200 1st gen.

15941067_701461856696109_4715609321296600528_n

Sa awa ng dyos naging maayos ang takbuhan namin ng motorcycle ko sa kalsada kahit pa magdamag ang ulan. Sa preparasyon ko, di ako binigo ng mga bagay na pinaghandaan ko, katulad ng Wall E. Ok xa auxiliary lights ganda sa gabi, tapos tire sealant wala ka talagang flat hanggang mindanao.πŸ˜‚

Pero bago yan kwento nalang mga experience ko sa kalsada para may idea ang iba satin na nagbabalak din magride to mindanao..

Pampanga to quezon province. Alam ko lahat dito na alam na maganda naman ang road sa parting iyan… Ganun din papuntang Matnog Sorsogon, maliban nalang sa mga railroads na madadaanan mo ng hindi mo napapansin sa kalsada.

Pampanga Takeoff :
Date 01/07/17
time 0005H

Port of Matnog arrived:
Date 01/07/17
Time 1800H

Pag tawid ko from matnog to port of allen sa samar, nasa 2200H na ang oras nun at maulan kaya nagstay overnight nalang ako sa isang murang Lodge inn malapit sa pier. Kina umagahan malakas padin ulan, pero tumuloy parin ako para di ako madelay at mahabol ko ang barko sa Port of Benit so. Leyte.. at dahil sa ulan medyo nagbagal ako nang speed ko from normal 100kph down to 60-70kph nalang dahil diko makita ang daan baka may lubak kasi ang nasa isip ko na that time, hindi ako dapat magkamaling maaksidente dahil wala akong mahihingan ng tulong sa lugar na ito.

Hanggang sa natawid ko ang SAN JUANICO bridge pero di parin natila ang ulan.. minsan bubugso ng malakas pero go parin ako…

15966082_701462226696072_4880543661522393722_n

San Juanico Bridge, Leyte

Noong natawid ko na ang san juanico bridge akala ko ok na ang road na dadaanan ko natapos na ung pahirap sa kalsada sa samar…… pero hindi pala!!!

Eto ang malupit at hindi ko talaga inaasahan.. from Allen Port, stress na ang makina ko dahil sa layo na rin ng tinakbo ko, hanggang s makarating ako sa bundok ng MAHAPLAG na halos higit isang oras ko atang inakyat na puro paahon hanggang sa diko na makita ang sa unahan ko dahil sa kapal ng hamog at nakakatakot dahil bibihira ang mga bahay at ang tubig na umagos galing sa bundok na bumabahaΒ sa kalsada pero di parin ako huminto dahil may kaba na sa dibdib ko that time kaya kinakausap konlang ang motor ko na sana wag siyang bibigay.

Sa awa ng dyos ligtas akong nakababa sa bundok na iyon na nakapatay ang makina ko dahil puro na talaga pababa ang kalsada. Masasabi kong mas malupit yung bundok na iyon kesa sa naakyat ko na Bagiuo at Mt.Samat. Sa mga babyahe at makakadaan dun napakasarap na experience ang mararanasan mo.

Hanggang sa nagtuloy na ako sa pagtakbo tsaka pagasolina na. Check nadin ng gps, lahat check ko agad lalo na ang kadena. Nagbabaon talaga ako ng extra oil lalo kapag maulan manunuyo kadena ko pag diko nalagyan ng oil. Every 3 hours checke ko yn. Hanggang sa nakarating ako sa port of Benit so. Leyte. Puro stranded na bus at truckings ang naabutan ko, sabay dating pa ng bagyo. Buti nalang naunahan ko si bagyong auring sa pier. Kung hindi malamang sa kalsada maraming puno ang naka tumba.

From Port of Allen:
01/08/17
0600H

Port of Benit arrived:
01/08/17
1700H

Dun na ako nagstay ng 2 daysπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ sa pier.

Noong ok na ang barko maglayag, sumakay na ako sa first trip ng martes 01/10/17 hanggang sa nakatawid na ako ng port of Lipata Surigao… yes!!!πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚Β nasa MINDANAO NAKO!!!!πŸ˜‰πŸ˜‰πŸ˜‰

15965309_701462286696066_1831932224025456726_n

Mula sa pier hanggang Butuan City ay 2hrs lang mahigit ang byahe kaya binakbakan ko na..

Salamat sa lahat ng nag alala sakin sa daan sa mga nagpray ng safety ko lalo kana MOMSY Hearty Heart Mauligaya sa walang sawa mong pagsubaybay sakin… balang araw makakabawi ako sayo momsy… isa kang tunay na kaibiganπŸ˜‰

#DINES (SSX200)
#LEINARDMENDOZA

Featured Motorcycle Info:

15941401_701462310029397_1491572569871573970_n

Brand: RUSI

Model: SSX200 First Gen.

Displacement: 200cc

Country: PH

Rider: Leinard Mendoza

15965821_701462063362755_467873237455045969_n

Advertisements